Home
About Us
Menus
My Order
Reservation
Contact
 
 
MGA PINOY MAHILIG SA KARAOKE
 


NOONG hindi pa nauuso ang videoke, at ang mayroon pa lamang ay ang karaoke, kadalasang biro noon ay: pinipilit pa ang isang Pinoy na pumili ng kanta sa karaoke para naman makisalo sa kantahan; tatanggi ang Pinoy dahil hindi raw siya handa; pero sabay dukot ng cassette tape at magsasabing “Sa side B, pangatlong kanta… naka-cue na yan.”

Nang mauso naman ang videoke at ngayon ay ang tinatawag na Magic Sing, halos lahat na yata ng okasyon ay hindi kumpleto kung walang kantahan: mula sa panganganak, binyag, kumpil, birthday, anibersaryo, graduation, reunion, kasal, hanggang kamatayan at burol, bakasyon, Pasko, Mahal na Araw, pista, Araw ng mga Patay, o basta may umpukan.

Gayundin sa halos lahat ng lugar at sulok, parang alikabok yan ng Pilipinas na laging naririyan: sa bahay, sa restaurant, sa kariderya, sa beerhouse, hanggang sa mall na siya nang naging pambansang pasyalan ng mga Pinoy.

Lumabas ka ng Pilipinas, at kapag Pinoy ka, tiyak na mahihilingan kang kumanta. Dahil na rin ito sa katanyagan at tagumpay ng mga mang-aawit na Pinoy: maging Japayuki man yan, o banda sa kung anong club sa ibang bansa, o sa barko, o sa tinatawag na legitimate stage (gaya ng pagtatagumpay ni Lea Salonga), o mga pakontes sa kung anumang sulok ng daigdig.

Kaya kung minsan, mahirap maging Pinoy. Para bang dahil Pinoy ka ay inaasahang magaling ka nang kumanta. Kaya ayun, biglaan, mapapakanta tayo sa kung anumang umpukang ating nadaluhan. Syempre, matapos nating kumanta, bilib na bilib ang mga dayuhan. At hindi pa tayo handa niyan, ha! Pero kung tutuusin, tulad ng biro noong panahon ng karaoke, ang katotohanan niyan ay kahit papaano, nakapag-ensayo na rin tayo sa ating bahay: kung hindi man habang naliligo, habang nagluluto, naglilinis, nagpapatulog ng bata, nag-aaral, nanood ng TV, at ang iba nga, habang nagsisipilyo ay nagha-hum pa.

At kapag ang makina ng videoke ay yong tipong hinuhulugan ng token at may fanfare at score makatapos ng pagkanta, lalong lumalakas ang kantsawan; at gayon ding lumalakas ang loob ng kung sino man na mahigitan ang score ng kung sinong naunang kumanta.

Pinoy tayo at kailangang itaguyod ang bandila ng kahiligan o kahusayan sa pagkanta. Kumbaga, nasa dugo na natin yan.

Nasa dugo na nga ba natin ang pagkanta?

Nang dumating ang mga Kastila, isa sa mga bagay na ikinagulat nila ay ang kahiligan natin sa pag-awit.

Kahit saan sila magpunta, naroroon ang Pinoy (syempre hindi pa Pinoy ang tawag sa kanila noon) na laging may kanta: sa pagtatrabaho sa bukid o sa ilog o dagat, sa pagpapatulog ng bata, sa pag-inom o pagre-relax, sa burol, sa pagsilang, sa pag-ani… parang sa kasalukuyan, halos lahat ng gawain ng Pinoy noon ay may awit.

Sa katunayan, nakapagtala sa Vocabularyo de la lengua Tagala ng mga 16 na uri ng awit; maliban pa ito sa sangkatutak na mga tula na gayon ding kabahagi ng buhay ng Pinoy.

Ang mga awit na ito ay hindi lang sa mga Tagalog napansin. Pati sa iba pang vocabularyo o diksyonaryong ginawa ng mga prayle noong mga unang siglo ng kanilang pananakop ay naglalaman din ng magkakatulad na uri ng awit.
Sa katunayan, bilang pagkilala sa lakas ng pag-awit sa kultura ng Pinoy, ang pagpapalaganap ng Kristianismo ay ipinadaloy ng mga Kastila sa pamamagitan ng awit. Ito ay ang Pasyon na magpahanggang ngayon ay inaawit; at binabago pa nga ang tono upang makapagpatuloy ng tradisyon.

Pero syempre, ang pinakatampok sa mga ito ay ang mga awit sa pag-ibig. At kahit hindi na natin makukuha ang eksaktong tono ng mga awit na ito, maaari nating sabihin na ang himig ng mga awit na ito ay sumanib na sa tono ng mga awit na dala ng mga Kastila, at maging ng mga Amerikano makatapos ng ilan pang siglo.

 
Other News ::
> Happy Easter! Maligajang Pagkabuhay ni Kristo!!
> KUSINANG MUNTI’S 2ND YEAR ANNIVERSARY 2nd FEBRUARY 2010 PROMOTION....
> KAREOKE BOOK UPDATED...NEW ’09 SONGS ADDED!!
> CLICK THE NEWS TAB TO READ MORE...
> DONATIONS FOR TYPHOON ’ONDOY’
> Kusinang Munti Basketball WINNERS!!!
> Kusinang Munti categorized by TIMEOUT Magazine as the Best Newly Opened Restaurant in London
> April 01, 2008: Pinoy Celebrities Visit at KM
> March 29, 2008: Meet, Chat & Dine with TIRSO CRUZ III & Co on 1st April 2008
> March 3, 2008: The visit of DCM Hon REYNALDO CATAPANG
> GLOSSARY
> February 02, 2008: KUSINANG MUNTI RESTAURANT GRAND OPENING
 
 
 
Home About Us Menus My Order Reservation News Contact